viernes, noviembre 12, 2004

Mahirap Ba?

Let my thoughts freely come out... Do not care about the language or the punctuation marks and capitalizations and yada yada. Just go with the flow.



mahirap ba masaktan? hindi lang mahirap! masakit rin. lalo na pag inaapi ka kahit wala ka namang kasalanan.
mahirap bang ma-inlove sa taong may mahal ng iba? oo naman, kasi may mahal na siyang iba. gusto mo kayong dalawa lang magkatuluyan diba?
mahirap ba pag may taong sobrang mahal ka pero di mo naman mahal? oo, mahirap din yun kasi di mo naman talaga siya mahal. the best thing to do is to tell him right from the start na hindi mo siya mahal para di siya masaktan na as in saktan. gets?
mahirap ba pag mahal mo, mahal ka pero di pwedeng maging kayo? hay, bahala sila! kung mahal namin ang isa't isa, itatago na lang namin. pero kung malayo kami sa isa't isa... siyempre mahirap talaga yun.
mahirap ba pag pinapahanap ka ng bf/gf ng mahal mo para makalimutan cya? hello, kung ayaw na niya sa akin, wag na lang niya ako pakialaman!


PART 2:


God is giving you just 5 more minutes to live, anong 3 bagay ang sasabihin mo sa taong mahal mo? (naging mahal mo) hmm, mahirap 'to! i'd say (a)i'm sorry that it took me this long to realize how special you really are in my life (b)please forgive me and (c) i will always love you. o diba ang taray?
pinaka heart wrenching words na sasabihin sayo ng mahal mo, kung saan maiiyak ka talaga pagsinabi sayo? di pa naman ito nasabi, pero kung meron man, he would say, "i'm sorry, patty, but i don't love you." *sob*
ano sasabihin mo sa isang taong ayaw maniwala na mahal mo sya? minsan ko na nga lang sasabihin sa iyo, di mo pa ako paniniwalaan!
ano mas masakit? iniwan ka, niloko ka, mahal ka nya kahit may mahal syang iba? pareho lang eh! kahit ano pa ang mangyari, masasaktan ka pa rin!
mahirap bang sabihin yung totoo? mahirap yun, kahit close siya o hindi kasi for one, pag sinabi mo ang totoo, umaamin ka na nagsisinungaling ka. yung iba, pag nalaman nila na nagsisinungaling ka, magagalit sa iyo, yung iba, maiintindihan ka. the bad thing about it? you won't know how they'd react until you say it.
was there ever a time na talagang pinag-aralan mong mahalin ang isang tao? wala. if i don't love him, i don't talaga.
can lovers be friends after the break up? it depends on how you broke up. if friendly, then cool. if not, well...


PART 3:


pag mahal mo ba isang tao kahit kaibigan mo kakalabanin mo para sa guy/gurl na yun? ewan, naguguluhan ako sa question mo!
ano gagawin mo if parehas kayo ng kaibigan mo ng mahal? i'll cross the bridge when i get there. i don't think that's gonna happen, pero kung mangyayari, lagot.
ano gagawin mo pagdumaan yung crush mo sa harap mo at bigla kang natalisod? write to candy's most embarrassing moments.
ano ang dapat mong gawin kung may guy/girl nagpapahiwatg syo na mahal ka nya? kung mahal ko siya, eh di ang saya! kung di naman, i'd probably say, "i need time to think about this." o diba?
paano pag bf/gf mo nagseselos? wala akong bf eh. *sob* eh, kung mangyari yun, maglalambing na lang ako sa kanya. haha.
sasabihin mo ba nararamdaman mo sa isang tao pag may gusto ka? on the right time siguro.
paano kung yung mahal mo nagpaparamdam na parang mahal ka nya pero bandang huli.. may gf/bf na cya? eh kahit mahal ko siya, ayaw ko na sa kanya. iiyak na lang ako. gosh, do i sound like a crybaby na ba?
paano kung ung mahal mo pinapahanap ka ng mamahalin nya? bahala siya sa buhay niya!